Ang nakaraang linggo ay isang malinaw na hudyat na tag-ulan na talaga dito sa ating bayan. Parati nilang sinasabi kasi na ang Hunyo ay simula na ng tag-ulan pero ngayong taon, wala naman talagang matindi-tinding pag-ulan ang naramdaman hanggang dumating itong bagyong Labuyo, na itinuturing na pinakamalakas sa mga dumating na bagyo ngayong taon.
Kasing anghang ng sili ang hinasik na lagim ni Labuyo at Maring dito sa bansa kasama na ang mga lugar ng Cavite, Bulacan, Laguna, mga bahagi ng Quezon City at Maynila, at siyempre ang Marikina.
Napilitan kaming mamalagi sa Ortigas Center nang di inaasahan. Nagpunta kasi kami doon para mag-overnight noong Linggo, ika-18 ng Agosto dahil nga piyesta opisyal ang ika-19. Ngunit, sa di inaasahang pangyayari, bumuhos ang malakas ng ulan at binaha nga ang ilang parte ng Metro Manila. Di kami sigurado kung safe mag-biyahe habang bumabagyo kaya nagdesisyon kaming mamalagi muna sa isang hotel sa Ortigas Center.
Nang nakita ko sa TV ang mga video ng mga lugar na binaha at mga taong na-evacuate, naalala ko tuloy ang habagat nung nakaraang taon.
Hindi ba't marami ang nagreklamo na hindi nakarating ang relief goods o mga donasyon sa kanila nung nakaraang taon? May isang komunidad pa nga kung saan, sa pagkakatanda ko, nakakandado lamang ang mga pagkain at inumin na dapat sana ay ipinamimigay sa mga nasalanta.
Ngayon ay mas may alam na tayo na kaya naman pala hindi nakakarating ang tulong ay binubulsa ng mga masasamang opisyal ito. Kung dati ay may hinala lang tayo, ngayon, alam na natin kung papano nila ito ginagawa.
Kung alam lang siguro natin, ganun na lang ang tuwa ng mga pinuno ng mga lokal na pamahalaan sa pagkakataong makapagdeklara ng "state of calamity". Ibig sabihin kasi nito, may mga pondo silang maaring magamit na sadyang nakalaan para sa mga ganitong pagkakataon.
Grabe. Pati ba naman ang mga taong nasalanta, pagkakaitan pa ng tulong kung kailan sila higit na nangangailangan?
Para sa mga ganid na tao, ang mga sakuna ay isa na namang pagkakataon para kumita ng pera sa pamamagitan ng pandaraya sa pag-de-deliver ng mga "supplies".
Kaya naman pala paulit-ulit lang ang mga ganitong eksena taon-taon, pati na rin siguro ang relokasyon ng mga informal settlers ay pinagkakaperahan. Hindi na ako magugulat kung gano'n man ang kaso. Aba'y siyempre, may palitan ng pera, kaya ang mga mahihina ang paninindigan ay matutukso na naman o masisilaw sa kickback. Kahit pa ang paglilipatan sa mga tao ay isang catch basin o isang lugar na hindi ligtas na tirahan ng tao. Basta lamang magawa ang proyekto, pwede na.
Hay, Pilipinas. Akala natin, ang pagbaha lang ang problemang dala ng tag-ulan.
Maling-mali ang ating akala.
Ulan At Araw
Linggo, Agosto 25, 2013
Biyernes, Agosto 16, 2013
Janet Napoles nagtatago
Sa patuloy niyang pagpapakita ng kawalan ng respeto sa batas at mga institusyon sa Pilipinas, ngayon naman ay nagtatago na si Janet Lim Napoles, ang sinasabing pinuno ng pork barrel fund scam dito sa Pilipinas.
Marami ang hindi nabigla, kabilang na si Justice Secretary De Lima, na maaga niyang nalaman ang paghahain ng arrest warrant sa kanya. Malawak ang kanyang koneksyon sa pamahalaan at military sa Pilipinas.
Kung sino man ang mga tumutulong kay Napoles, sana ay makonsyensya na kayo at gawin ninyo ang nararapat. Marami mang salapi ang taong ito ngunit hindi niya ito nakamit sa malinis na paraan.
Ginagamit niya ang kanyang pera at ari-arian upang bilhin ang mga prinsipyo ng mga tao. Nagagawa ng kanyang mga kasama sa negosyo na itikom ang kanilang bibig at magbulag-bulagan sa mga krimen ni Napoles dahil sa malaking halaga na inaasahan nila dito. Pati mga pari diumano ay pinagagamit niya ng isa sa mga bahay niya. Marahil ay hindi alam ng mga ito ang mga tunay na gawain ni Janet Napoles.
Sana ay huwag nang pagtakpan o protektahan si Napoles. Kung pinagbabantaan man ni Napoles ang mga opisyal na sangkot sa scam na ito at sila ay nangagamba sa maaaring mangyari, hindi ninyo maitatama ang inyong katiwalian sa patuloy ninyong pagpoprotekta kay Napoles.

Miyerkules, Agosto 14, 2013
Napoles pinaaaresto na
Sa wakas ay pinaaaresto na ng Makati Regional Trial Court si Janet Lim Napoles, ang tinaguriang mastermind ng pork barrel scam dito sa Pilipinas.
May hustisya din pala dito sa Pilipinas. Kagabi lamang ay pinag-uusapan naming mag-asawa kung gaano ang kawalan ng konsyensya ng mga taong may kinalaman dito. Isa-isa na kasing naglalabasan ang mga testigo pati na rin ang mga naging biktima upang magbigay ng kani-kanilang mga istorya o testimonya.
Sa aming paningin, isang bagay ang mga negosyanteng mataas magpatong ng tubo sa kanilang mga ibinebenta o serbisyo; at isang bagay din naman ang tulad nila Napoles na tumatanggap ng bayad nang walang ibinibigay na mga produkto o serbisyo. Ito ang mga tinatawag na ghost deliveries o ghost projects.
Si Napoles ay pinaaaresto dahil pagkakawala ni Benhur Luy, isa niyang kamag-anak na dati niyang empleyado sa kumpanya. Diumano, nagkagalit ang dalawa nang nag-umpisa nang magsarili si Luy matapos nitong matutunan ang takbo ng negosyong itinayo ni Napoles at asawa nito. Nakikipag-kontrata na daw si Luy nang hindi ipinaalam kay Napoles kaya nagalit ito sa kanya at ipinadukot siya nito noong Disyembre 2012.
Ang hindi katanggap-tanggap sa ginagawa nila ay ang kanilang pinagkakaitan ay ang mga pobreng mahihirap, mga sundalo, mga magsasaka at iba pang sektor ng lipunan na umaasa sa gobyerno upang bumuti ang kanilang mga kalagayan sa buhay.
Kaya naman pala madalas noon mabalita na, kapag may mga nangyayaring sakuna, hindi nakakarating ang mga relief goods at kung ano-ano pang mga uri ng ayuda mula sa pamahalaan.
Ngayon, alam na natin kung saan ang pondo napupunta.

Lunes, Agosto 12, 2013
Napoles nagmamay-ari ng mga lupain sa US na halos USD 10 milyon
Nabasa ko sa Rappler.com ang tungkol sa mga ari-arian ni Janet Lim Napoles sa Amerika na nagkakahalaga ng halos 10 milyon US dollars. Kabilang dito ang isang hotel, isang preschool at isang bahay.
Bukod pa ito sa Ritz Carlton LA apartment ng mga Napoles na nakapangalan sa pinakabata niyang anak na si Jeane.
Nakakamangha rin ang lakas ng loob ng taong ito na kung magsalita sa mga interview ay akala mo tunay na walang ginagawang masama. Bakit naman kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin niya masabi kung ano ang hanapuhay niya? Ano ba ang sinasabi niyang marangal o ligal na hanapbuhay niya na nakakapagbigay sa kanya ng ganito karangyang pamumuhay?
May kinasangkutan na din palang kaso si Napoles noon pang 1998 sa Philippine Navy na kabilang sa tinutukoy na anomalyang "conversion" sa military. Opisyal ng Philippine Navy ang asawa ni Napoles. Hindi nakasuhan si Napoles dahil hindi niya idineklara ang sarili na kasama sa bentahang iyon. Sa kanyang bank account lamang idineposito ang mga tseke na ibinayad ng Philippine Navy. Mga kamag-anak niya, kasama na ang sarili niyang ina, ang nakarehistrong nag-mamay-ari ng kumpanyang ginamit sa bentahan. Namatay ang kanyang ina bago pa nadesisyunan ng hukuman ang kaso.
Maaaring ang hindi niya pag-amin sa mga bintang sa kanya ay dala na rin ng kumpiyansiyang hindi siya mahuhuli. Malawak ang koneksiyon niya sa mga taong gobyerno. Kung iimbestigahan siya, maraming mambabatas, opisyal ng military at pamahalaan ang maaaring madawit. Ngayon pa lang, maaaring may mga nangangako na sa kanya na gagawan nila ng paraan upang hindi makasuhan si Napoles.
Mismong ang Majority Floor Leader ng Senado na si Alan Peter Cayetano ay nag-aatubiling imbestigahan ang kasong ito dahil siguro marami sa mga kasamahan nila ang nakikiusap na huwag nang gawin ito ng senado. Nagbabalak pa naman kumandidato bilang presidente sa susunod na halalan si Bong Revilla na, ayon sa balita, ay pinakamalaki ang naibigay na halaga kay Napoles.
Dapat bantayan ng taong bayan ang kasong ito. Sukdulan ang kasamaan ng mga taong tahasang pinagnanakawan at nililinlang ang taong bayan lalo na ang mga taong nagbabayad ng buwis.
Huwag pabayaang manaig ang kasakiman ng mga taong ito at payagang mamuhay sila nang marangya habang ang mga Pilipinong pinagnanakawan nila ay patuloy na naghihikahos para makatawid sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Linggo, Agosto 11, 2013
Gilas Pilipinas nakuha ang 2nd place sa FIBA Asia
Nakamit ng Iran ang tropeyo sa katatapos lang na FIBA Asia Basketball Tournament 2013 ngayong gabi.
Sabi nila, dapat matuwa na tayo sa naging resulta dahil hindi tayo tinambakan ng team na ito. Sa madaling salita, hindi naman tayo talaga inaasahang mananalo ng championship dahil na rin sobrang lakas ng basketball team ng Iran. Ang sentro nila na si Haddadi ay may taas na 7'2". Bukod pa diyan, ang ating sentro na si Douthit ay hindi nakapaglaro dahil sa isang injury.
Sa mga nakaraang laro ng Iran, ang mga naging lamang nila ay umabot sa 30 puntos. Sa lagay na ito, maganda na ang ating ipinakita dahil hindi naman umabot sa 20 ang lamang nila sa atin. Sa huli, ang naging final score ay 85-71.
Di naman talaga maikakaila na mas magaling na team ang Iran. Kaya lang, madami ring nagmintis na tira ang Pilipinas. Kung pumasok sana ang madami sa ating mga tira, mas malapit sana ang score natin sa kalaban. Malamang, hindi umaabot ng sampu ang naging lamang nila sa atin.
Sa pagkakaalala ko, isa lang ang naging 3-point shot ni Jeff Chan. Ganun din si Larry Fonacier. Si Alapag lang ang maraming "tres" na pumasok. Ang mga tira ni Ranidel na "tres" ay di rin pumasok. Kaunti lang ang nagawang puntos nila Gary David at Gabe Norwood kaysa sa mga regular nilang ginagawa. Mas mababa ngayong gabi ang naging porsyento ng field goal shooting natin kaysa sa laban natin kagabi sa Korea.
Sa palagay ko, hindi rin tayo masyado nag-take advantage sa pagkaka-foul out ni Haddadi. Sana lamang ay ipinasok ni Coach Chot Reyes sila Aguilar at Pingris para nakatulong silang maghabol sa lamang ng Iran sa last two minutes ng laban. 12 points lang ang lamang ng kalaban nang nawala sa Iran ang sentro nila.
Sa bandang huli, marami ang nagsasabi na masyadong mataas mangarap ang mga nag-aasam na matalo pa natin ang Iran. Sa tingin ko, naipakita ngayon gabi na kaya ng Team Pilipinas talunin ang Iran. May mga bagay lamang na maaring hindi natin napaghandaan nang maayos or di kaya ay natanim na sa isip natin na wala tayong kakayahan na talunin ang team na tulad ng Iran.
Ibang-iba ang sigla ng team na lumaban kagabi sa Korea. Ngayong gabi, tila si Jayson Castro, Mark Pingris, at Jimmy Alapag lang ang nakitaan ko ng ganitong uri ng paninindigan na tila ba naniniwala sila na kaya ng Pilipinas talunin ang Iran. Sa kasamaang palad, hindi na nakakalusot sa mga Iranian ang mga "drive" ni Jayson tulad ng ginawa niya kagabi sa Korea.
Maaaring napagod na rin ang team dahil ito na ang ikatlong araw nila sa paglalaro at ang laban kagabi sa Korea ang tinuturing na isa sa pinakamahalagang laban nila sa ligang ito na sadyang pinaghandaan nila nang lubos.
Mula sa mga Pilipino, maraming salamat sa Gilas Pilipinas dahil ipinakita nila na kahit hindi matangkad ang lahing Pilipino, maaring mahanay sa mga pinakamahusay sa Asya kung buo ang loob at handang gawin ang nararapat.
Ang aming patuloy na sigaw: PUSO!

Mga etiketa:
fiba,
fiba asia,
gilas,
gilas pilipinas,
team pilipinas
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)