Miyerkules, Agosto 14, 2013

Napoles pinaaaresto na

Sa wakas ay pinaaaresto na ng Makati Regional Trial Court si Janet Lim Napoles, ang tinaguriang mastermind ng pork barrel scam dito sa Pilipinas.

May hustisya din pala dito sa Pilipinas. Kagabi lamang ay pinag-uusapan naming mag-asawa kung gaano ang kawalan ng konsyensya ng mga taong may kinalaman dito. Isa-isa na kasing naglalabasan ang mga testigo pati na rin ang mga naging biktima upang magbigay ng kani-kanilang mga istorya o testimonya.

Sa aming paningin, isang bagay ang mga negosyanteng mataas magpatong ng tubo sa kanilang mga ibinebenta o serbisyo; at isang bagay din naman ang tulad nila Napoles na tumatanggap ng bayad nang walang ibinibigay na mga produkto o serbisyo. Ito ang mga tinatawag na ghost deliveriesghost projects.

Si Napoles ay pinaaaresto dahil pagkakawala ni Benhur Luy, isa niyang kamag-anak na dati niyang empleyado sa kumpanya. Diumano, nagkagalit ang dalawa nang nag-umpisa nang magsarili si Luy matapos nitong matutunan ang takbo ng negosyong itinayo ni Napoles at asawa nito. Nakikipag-kontrata na daw si Luy nang hindi ipinaalam kay Napoles kaya nagalit ito sa kanya at ipinadukot siya nito noong Disyembre 2012.

Ang hindi katanggap-tanggap sa ginagawa nila ay ang kanilang pinagkakaitan ay ang mga pobreng mahihirap, mga sundalo, mga magsasaka at iba pang sektor ng lipunan na umaasa sa gobyerno upang bumuti ang kanilang mga kalagayan sa buhay.

Kaya naman pala madalas noon mabalita na, kapag may mga nangyayaring sakuna, hindi nakakarating ang mga relief goods at kung ano-ano pang mga uri ng ayuda mula sa pamahalaan.

Ngayon, alam na natin kung saan ang pondo napupunta.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento